(02) 892-5011 loc. 108     |     [email protected]

Marivic Clarit Docdoc

Facebooktwittergoogle_pluspinteresttumblrmail

 

I am Marivic, 31 years old, married, and a mother of 2. I’m a government employee for 4 years now, and of course a home baker.

I started baking 2 years ago thanks sa officemate ko na sinali ako sa group ng mga home baker sa FB. Noong una, gusto ko lang matuto mag-bake kasi yun talaga ang passion at dream ko makagawa ng cake. Pinagaralan ko yung mga recipe na sini-share ng iba tapos nag experiment din ako kaya ayon. Masaya ako kasi nagustuhan ng family at ng ibang tao yung luto ko.

Siguro ngayon, bukod sa natupad ko na yung dream ko, inspired ako kasi ang laking tulong financially sa amin kasi yung husband ko di na ulit nakasakay sa barko. Ito na yung pinaka source of income namin kasi di naman kalakihan sahod ko.

I bake 4 times a week after work, tapos yung Saturday, whole day kasi mas maraming order at nag-supply na din ako sa iba ngayon. Best seller ko is yung Yema Cake at Chocomoist Cake. Own recipe ko talaga yun. Di na ako nag-follow ng recipe sa iba.

Super thankful ako na na-discover ko yung Maya Hotcake at Chocolate Mix kasi di ko na kelangan mag-mix at mag-tancha ng ingredients. Dati kasi nag-try ako from scratch, di masarap ang lumabas.

Most challenging recipe ko yung Yema Cake kasi ilang beses ako nag-trial and error sa cake at sa frosting… muntik na ako sumuko hehe. Thank God nalagpasan ko din.

Most memorable baking experience sa akin is nung tinuro ko sa sister at sis-in-law ko paano mag-bake na walang kahirap hirap using Maya Hotcake Mix and other Maya cake mixes.

Ngayon na medyo confident na ako na mabebenta pala ung niluluto ko, makapag put-up na ako ng sariling pwesto, makabili ng mas malaking oven at mga gamit sa pag-bake na sa FB ko lang nakikita. Sa mga home baker out there, I highly recommend na gumamit ng Maya products. It makes our baking life easier, sweeter, and yummier hehe.

Yung mga gusto umorder,  I am in San Mateo, Rizal. Hanapin niyo lang po ako sa Facebook at i-message. :)

 

 

Leave a Comment

Don't Miss A Recipe

Subscribe to us and receive notifications of new posts and recipes by email.

Join 41 other subscribers

Follow Us

Facebooktwitteryoutubeinstagram

New Gen Baker

  • Maya Kitchen Culinary Arts Center
  • 8th Floor, Liberty Building, 835 A. Arnaiz Avenue, Legazpi Village, Makati City

  • 892-5011 loc. 108 / 0947-835-2290

  • [email protected]