(02) 892-5011 loc. 108     |     [email protected]

Ellie’s Yema Cakes

Facebooktwittergoogle_pluspinteresttumblrmail

 

I’m Elinore Lumot, 27 yrs.old.

Recently lang talaga ako nag-start magbake. Dahil nga sa wala akong work for now, naisip kong mag-try ng mga recipe online just for fun, hanggang sa nagustuhan naman ng mga kaibigan at family ko yung mga gawa ko. Kaya ayun na, paunti-unti may mga umoorder na sa amin.

Stress reliever ko ang pagluluto, ‘di lang ang baking. Since mahilig ako sa mga sweets, dun talga nakatuon ang focus ko ngayon. Nagse-search ako ng mga “easy dessert recipes” online, then gagayahin ko, tapos ipapatikim ko sa mga friends and family for free. ‘Pag nagustuhan nila, saka na ulit sila oorder sa akin. Sila yung nagiging endorser ko. Word of mouth ika nga. ???? Sa ngayon wala akong particular na tao na ini-idolo sa larangan ng baking, kasi nga recently ko lang din talaga nadiscover sa sarili ko na kaya ko din palang mag-bake. ????

Signature recipes ko ang Yema Cake, Stuffed Palitaw, Ube Cake, ‘tsaka Ice Cream Cake.

yema

Ellie’s gets tons of orders for her Yema Cakes, which are actually steamed, and made from Maya Hotcake Mix.

‘Pag may nakita din akong recipe online, then available sa kitchen yung mga ingredients, I will make it right away. So sometimes 7-8 times a month ako nagbe-bake. Gusto ko din matuto ng mga bagong recipe na pwede kong maidagdag sa mga binebenta ko.

Isa sa natutunan ko ay ang importansya ng pag-follow ng instructions. Then ‘pag alam mo na kung paano mo gawin, saka mo idagdag yung mga gusto mong idagdag, at ibawas yung mga gusto mong ibawas.

Ganun ako eh, kukuha ako ng recipe, gagayahin ko, then sa 2nd time na gagawin ko ulit yung recipe, babaguhin ko ng kaunti. Lalagyan ko ng twist, ini-improve ko, ‘tsaka para magkaroon rin ng personal touch. Most challenging recipe para sa akin, yung Buko Pie at Egg Pie na ginawa ko. Akala ko talaga masasayang pero nairaos ko naman siya. At least ngayon na-improve ko na rin ????

14569060_266326417100597_424129259_n

Ellie’s Chocolate Cake

Most memorable moment ko sa baking ay yung gumawa ako ng Yema cake. ‘Di ko akalain na magiging best seller ko siya. ???? First time kong gumawa pero pumatok.

Baking Goals ko, gusto kong gumawa ng mga wedding cakes, pero may twist. Every layer nung cake, makikita ng mga tao ang love story nung mga kinasal. Posible na siguro yun ngayon kasi nalalagyan na nga ng mga pictures yung mga cakes so sana one day magawa ko din.

14408911_260541544345751_508770674_n

Ellie also makes a variety of Munchkins

Ang best tip na ma-share ko sa iba pang New Gen Bakers is to just love what you’re doing. Kasi kahit na anong gawin mo kung ‘di mo gusto ang pagbe-bake, walang mangyayari. Magre-reflect yung lasa ng gawa mo sa kung anong nararamdaman mo. So dapat lagi kang masaya habang nagbe-bake.

Worth it maglaan ng oras sa baking. ‘Di mo kailangang gumastos ng malaki kung gusto mo talagang matuto. Just enjoy and have some fun ????

For orders, particularly in the San Mateo, Rizal area, please look for Ellie at (02) 212-2340. Bukod po sa cakes, meron din po akong Choco Spreads, Yema Spreads, Puto Flan, and Cheezy Puto.

Thanks po and God Bless po sa ating lahat ????

Leave a Comment

Don't Miss A Recipe

Subscribe to us and receive notifications of new posts and recipes by email.

Join 43 other subscribers

Follow Us

Facebooktwitteryoutubeinstagram

New Gen Baker

  • Maya Kitchen Culinary Arts Center
  • 8th Floor, Liberty Building, 835 A. Arnaiz Avenue, Legazpi Village, Makati City

  • 892-5011 loc. 108 / 0947-835-2290

  • [email protected]