I’m Lhyn, mother of two. Simpleng office staff po ako. Sometimes what I bake tinitinda ng sister ko, pero most of the time, sa mga kiddos ko pa lang, solve na.
I started baking just recently. Dati kasi, puro hotcakes lang ang ginagawa ko.
I was inspired by my friend na may successful cake and cupcake business pero mas napabilib ako dahil wala pala siyang baking background. Natuto lang siya on her own. So I thought, kung nagawa niya, kaya ko rin gawin. Think positive lang po.
I bake every weekend. My kids love Chocolate Cupcakes… kaya kadalasan, yun po ang ginagawa ko. Like ko din yung paggawa ng Pasti-mallow and Pastillas.
Baking goals? For now, yung makagawa ako ng perfect cupcake with icing and toppings. (Beginner pa lang naman ako.)
Mga importanteng natutunan ko sa pag-bake:
- Chocolate Cake tastes better kung may icing. Di pa kasi ako marunong nun.
- When you make more than 30 cheesecakes (cupcakes) para sa mga kiddos, maiinip sila.
- Kapag beginner ka, sometimes pumapalpak yung ginagawa mo. Yung halos ‘di makain. Wow, sad talaga.
- Basta gusto mo yung ginagawa mo, everything becomes easy. Just enjoy baking!