Jhazz Miranda’s Maya Hotcake Creations

 

Ako po si Mrs. Janice Esplana. Nakatira po ako sa Cainta, Rizal, isang housewife na nangangarap magkaroon ng bakeshop soon. Actually, wala po akong business, pasumpong-sumpong lang pag naisipan mag business.

Hindi ko po maalala kung kailan ako nagsimula mag-bake. Nasa lumang bahay pa kami, lagi po ako nag e-experiment sa pagluluto kahit sa mga ulam. Experiment din yung Maya Hotcake Mix kasi matagal na din namin binibili yan. Actually, favorite namin yan since when I was young pa, lalo na pag nilalagyan namin ng gatas.

Then, dumating ang time na, bakit hindi ako mag experiment gamit itong Maya Hotcake Mix? Una kong ginawa Pineapple Maya Hotcake, tapos lumala ang pagiging creative ko. Hanggang sa lumago na, at ayan na nagagawa ko sa Maya Hotcake Mix, fluffy (Original) man siya o Chocolate. The best talaga siya sa akin.

Siguro, sa hilig ko na rin sa cake, sa hilig ko kumain kaya ako tumaba ng husto. My kids talaga ang inspiration ko. I love my kids nang higit sa lahat.

Minsan pag napapagod ako, hindi na ako nakakapag-bake. Pag may mga ingredients naman ako na pwedeng pumatok sa panlasa namin, nagbe-baker ako. Si mother kasi mahilig din sa Carrot Cheese Cake with Dulce de Leche. Favorite niya yun.

Minsan nag re-request sa akin yun. Nagca-crave daw siya ng Carrot Yema Cheese Cake with Raisins ko. Yummy daw kasi.

Maya Hotcake Mix lang talaga ang aking signature sa pagbe-bake. Oo naman, kasi pag may Maya Hotcake Mix ako sa bahay, hindi ko na pinoproblema yung ibang ingredients. Basta pag gutom ka, yun lang pwede nang lutuin, kahit sa breakfast ng mga anak ko.

Dulce de Leche with Cashew Nuts and Choco Chips ang biggest challenge na na bake ko. Kasi mabusisi at napapaso ako ng oven, hahaha! Kasama sa pag be-bake yun.

My number 1 baking tip: maging creative. Kasi kung hindi ka magiging creative, hindi ka makakaisip ng mga bagay para mapaganda o mapasarap ang bine-bake o niluluto mo. Parang sa buhay, kung hindi ka madiskarte, hindi magbabago ang buhay mo.

Kung maisipan niyo tikman ang gawa ko, sa Cainta lang po ako, 0908-3209905. Subukan niyo yung Dulce de Leche ko na may Cashew Nuts at Choco Chips sa ibabaw.

Sumikat man lang po ang aking creations, kahit isa o dalawa man lang po dito, pero mas okay po kung lahat na yan. Sana sumikat na ako po ang may gawa, at para maging inspiration din po sa iba ang pag be-bake. Masarap po kasi talaga ang Maya Hotcake Mix.

My baking goal:  Magkaroon ako ng kahit maliit na bakeshop — para pagdating ng panahon na wala na ako, may maiiwan ako sa mga anak ko na sila mismo ang mag ma-manage.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *