Carla Kusinera

 

Meet Carla Asence-Bangay, 33, mother of two. She has quite a following on Instagram thanks to her beautiful and simply delicious cakes, and passion for food. Read on as she shares her baking journey in her own word as Carla Kusinera.

carlakusinera-cakes3

6 years old pa lang mahilig na ako sa food, and talagang pinapanuod ko magluto auntie and uncle ko. Sila yung nag influence sa akin with food and cooking. Nag start ako magluto grade 1 or 2. Fried egg and hotdog, tapos gumagawa na ako ng sarili kong baon like sandwiches. At that age, alam ko na yung masarap sa hindi dahil lahat pinapatikim sa akin.

Doon nag simula ang lahat. Pag dating ng Grade 4, nag attend ako sa Cravings (culinary school) ng Cooking Summer Class and super nag enjoy ako at ang saya-saya ko.

chicken

By Grade 5, nagluluto na talaga ako like pasta, chicken, etc… Kahit sa kusina lang ako, masaya na ako. Kung may sofa, aircon at TV lang ang kusina, doon na ako tatambay. :)

By High School, tuloy-tuloy ang pagluluto ko. Inaabangan ako lagi ng mga classmates ko para tingnan kung ano ang baon ko kasi gusto nilang bilhin. Since mabait naman ako nagdadala na lang ako ng marami to share.

I graduated in CCA Manila. 2nd course ko yun. First course ko talaga Conservatory of Music sa UST. 1 year lang ako kasi medyo na-bore ako and hindi ako marunong magbasa ng notes. So balik ulit sa pagluluto. :)

carlakusinera-cakes2

Business Endeavors

1st negosyo: Knife Kits / Knife Bags. Ok siya pero hindi ako naka-focus that time. Nakabenta siguro ako ng 100 bags noon tapos tumigil na. Nawalan ako ng gana.

2nd negosyo: Carinderia ok sya. Almost 6 months lang tapos tinigil ko dahil may mga di nagbabayad ng kanilang mga palista.

3rd negosyo: Food Cart (Egg Queen)  – failed again, pangit location. Wala gaano kita. 1 year din.

4th negosyo: Food Photography, 3-5 months lang. Na-bore ulit ako and walang clients.

5th negosyo: Nagbenta ng Bags, Accessories, etc… Masaya naman pero di ko sya interest.

6th negosyo: Carla Kusinera was born May 2015.

12208843_10153198536071630_1883092820684307781_n

Nag start ako mag bake last year lang. I really hated baking at first kasi maselan sya. Culinary yung talagang gusto ko. Carla Cusinera talaga dapat more on party trays and cooking lessons for housewives at sa mga gusto lang matuto para sa bahay lang. But in the end, biglang sa baking pala mapupunta.

Nagpaturo ako sa Tita ko mag bake at dun na nagsimula lahat. I post everything on FB and Instagram kaya updated lahat ng tao sa roller coaster ride ng aking negosyo.

Ang negosyo parang naghahanap ng partner sa buhay. Mahirap hanapin pero once mahanap mo na, di mo na susukuan. Ipaglalaban mo lahat kasi alam mong masaya ka at mahal mo ang ginagawa mo.

carlakusinera-cakes1

Contis, Mary Grace, Merced, Estrels ang mga idol ko. Pinapangarap ko na isang araw maging ganun din ako ka successful. Yung mga taong tumulong sa akin sa pag bake na idol ko din, sila Chef Clyden San Pedro and Ms. Bam Soliman. Sila yung nagbigay sa akin ng lakas ng loob na ituloy ang passion ko.

Araw-araw nagbe-bake ako — Yema Cake, Chocolate Cake, Strawberry Shortcake and Flourless Chocolate Cake. Yan ang favorites ko.

Marami akong memorable moments sa baking. Favorite ko kapag bata ang bibigyan tapos tuwang-tuwa sa cake. We always have to celebrate life kahit hindi birthday. Celebrate because you’re alive and blessed. I’m so thankful for everything God has given me. Kaya bawat customer importante sa akin and memorable silang lahat.

Someday sana magkaroon ako ng sariling shop na andun rin ang house namin. Pangarap ko rin magkaroon ng school sa lahat ng gustong gawing negosyo ang baking. At pinkaimportante, magkaroon ng malaking kusina na may aircon, sala and TV!

Best Tips

1. Huwag mag-bake ng galit. Pati pag stressed o nalulungkot kasi pumapanget talaga resulta. At dapat organized lahat.

2. Dapat maaga magstart mag bake. By 4:00 AM dapat organized lahat ng gamit at kumpleto dapat lagi stocks sa kitchen.

3. Kaya naging successful ang Carla Kusinera dahil sa lahat ng kaibigan at pamilya na naniwala sakin at sinuportahan ako sa lahat ng bagay. Di ko magagawa ang lahat ng ito kung wala sila. Simula nang mag balik loob ako sa Diyos biglang gumanda takbo ng buhay ko. Every morning nagsusulat ako sa prayer journal and nakikinig sa Christian preachers sa YouTube. Ang Diyos ang nagbigay ng talentong ito kaya di ko to magagwa kundi dahil sa kanya.

4. Napaka-importante ng mga customer. Bawat costumer nililigawan ko. Binibigyan ko free taste, sinusuyo ko, etc… Kaya bumabalik sila dahil nakuha ko na loob nila.

Follow Carla Kusinera on Instagram at https://www.instagram.com/carlakusinera/. Would you like to get featured on New Gen Baker? Message us on Faceboook.com/NewGenBaker.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *